THE PROUD MOMMY MUNCHKIN POST #1
Disclaimer: This post is in Filipino… With beki
language on the side. Hahahaha! :D
My dear Steffy, marami
man akong na-miss na mga "firsts" mo simula nung nagwork ako, proud
pa rin ako na kung hindi man ako ang solong nagturo sa'yo, malaki rin ang parte
ko sa mga sumusunod na milestones sa buhay mo:
1.
Kumanta - obviously, sa
akin mo namana ang hilig mo sa pagkanta at pagiging nasa tono mo (thank
goodness!). At ito, inaako kong ako ang solong nagturo sa'yo nito dahil nasa
tyan pa lang kita, kinakantahan na kita ng mga birit songs, classical songs at
senti songs. Hahahahaha!
2.
Tumalon - kahit lately
ka lang natutong tumalon, ang importante, marunong ka na... kahit 2-3 inches
lang ang iniaangat mo sa sobrang bigat mo... hahahaha! (special mention sa
kutson na hinihigaan natin ni ninong Benjo na kung
hindi dahil dun, hindi mo magegets na ang tunay na talon, dapat umaangat mula
sa sahig ang dalawang paa mo at hindi isang paa lang ang umaangat)
3.
Magbilang - dahil sa
paghuhulog natin every day (or every other day) ng tag-lilimang piso at
tig-sasampung piso sa bear bank mo, nakuha mo ang concept ng pagbibilang (err,
titigil ka nang magbilang pag wala ng bibilangin). Pero pag tunay na math
skills na, ikinalulungkot ko na ipapaubaya ko yan sa Papa Edmund mo.
4.
Colors - halos
mapraning ako na baka color blind ka. Buti na lang, mga lalake lang pala ang
prone sa color blindness. Hindi ko sinosolo ang achievement na ito dahil si
wowa Ofelia ang madalas mong
kasamang magpractice mag-identify ng colors. Ako lang ang nakaisip ng mga
"more creative ways" para ituro sayo yan. Pero marami pang practice
ang gagawin natin dyan dahil nanghuhula ka pa sa Red, Yellow at Green.
5.
Umihi sa toilet - ako
ang naging successful sa pagkumbinsi sayo na wag ng pigilan ang ihi pag umupo
sa toilet. Just let go. Sarap ng feeling diba?
.... So far, ito muna ang naisip ko... Inaantok
na kasi ako. Pero since malapit ka na magschool, mas marami ka pang matututunan
sa akin. Magsisimula na tayong mag-ILS sessions one of these days. Sabihin mo
sa tatay mo, bayaran ako ng 600 per session ha. Siyempre joke lang yung bayaran
part. Hahahaha!
Comments
Post a Comment