Posts

Showing posts from July, 2013

THE PROUD MOMMY MUNCHKIN POST #1

Disclaimer: This post is in Filipino… With beki language on the side. Hahahaha! :D My dear Steffy, marami man akong na-miss na mga "firsts" mo simula nung nagwork ako, proud pa rin ako na kung hindi man ako ang solong nagturo sa'yo, malaki rin ang parte ko sa mga sumusunod na milestones sa buhay mo: 1.    Kumanta - obviously, sa akin mo namana ang hilig mo sa pagkanta at pagiging nasa tono mo (thank goodness!). At ito, inaako kong ako ang solong nagturo sa'yo nito dahil nasa tyan pa lang kita, kinakantahan na kita ng mga birit songs, classical songs at senti songs. Hahahahaha! 2.   Tumalon - kahit lately ka lang natutong tumalon, ang importante, marunong ka na... kahit 2-3 inches lang ang iniaangat mo sa sobrang bigat mo... hahahaha! (special mention sa kutson na hinihigaan natin ni ninong Benjo  na kung hindi dahil dun, hindi mo magegets na ang tunay na talon, dapat umaangat mula sa sahig ang dalawang paa mo at hindi isang paa lang ang umaangat) 3....